Tayo ay dapat tuloy-tuloy na natututo na pang-habang buhay. Isa sa mga pinaka-makapangyarihan at pinaka-mabilis na paraan para matuto ay ang pagiging BRUTALLY HONEST. Ang pagkakaroon ng bagong kaalaman ay hindi nagtapos noong graduation mo. Dapat ay tuloy-tuloy parin ang ating pag-aaral at pagtututo, at dapat ito ay pang-habang buhay. Maraming paraan para matuto. Pwede tayong magabasa ng libro o manood ng educational videos sa YouTube. Maaari rin tayong matuto sa mga nakaraang pagkakamali. Pwede kang kumonsulta sa mga eksperto o sa may naka-aalam. Tiyak na marami ka ring matututunan sa mga tao sa paligid mo.
Para sa mga tao sa paligid moSa lahat ng tao sa paligid mo, kabilang dito ang iyong mga kasamahan sa trabaho, supervisor, mga hinahawakan mong tao, asawa, kamag-anak, at kaibigan, sabihan mo silang lahat na maging BRUTALLY HONEST sa iyo, na maging tapat at derecho sila sayo anumang oras, gaano man ito ka-brutal. Sabihan mo silang lahat na ikaw ay bukas at iwe-welcome mo ang kanilang mga tapat na komento, positive man o negative. Napaka-makapangyarihan ito dahil para bang binuksan mo ang iyong pintuan para sa mga karagdagang kaalaman mula sa lahat ng mga taong nasa paligid mo. Para sa iyong sariliSa iyong sarili naman, una, huwag mong babaliwalain ang mga sinabi nila sa iyo. Tanggapin mo ang mga sinabi nila at tiyakin na matututo ka mula dito. Pangalawa, maging bukas sa mga sinabi nila, masakit man tanggapin. Huwag mong pepersonalin ang mga nagsabi sa iyo at huwag kang magagalit sa kanila. Tanggapin ito nang lubusan gaano man ito ka-brutal, dahil ang sinabi nila ay katotohanan na dapat mong harapin. Sa ganitong paraan, ikaw ay mabilis na matututo at magiging mas-mabuti. Learn more
0 Comments
Leave a Reply. |
Real Estate Marketing BlogBluHomes Maya are eco-friendly homes in Amparo Caloocan. Click here to learn more:
Archives
April 2020
|